
Napagalaman ng Balitado na mayroong isang lalaki na itinapon sa dagat Arabya kamakailan. Ayon sa salaysay ng isang saksi na itatago natin sa pangalang Jiggy, ang naturang lalaki ay may taas na 6'4, payat ang pangangatawan, itinatayang 40-50 ang edad, katamtaman ang kulay, matangos ang ilong, at balbas-sarado. Pinaghahanap pa rin ang pamilya ng naturang lalaki, na diumano'y biktima ng "salvaging".
.

Lumikha umano ng masangsang na amoy ang bangkay ng lalaki at nararapat itong ilibing ng maayos sa lupa. Ngunit, mayroong mga umalma, dahil nararapat lang daw sa tubig inilibing ang lalaki sa kadahilanang ang pupuntahan niya ay nangangailangan din ng maraming tubig.

No comments:
Post a Comment