Ayon sa mga sources ng Balitado, ang binibining na ito ang susunod na lalaban sa palakasan ng hangin laban kay Enzo Walbridge.Isang binata ang nanalo sa ika-4 na palaro ng paramihan ng salitang “Pare” kamakailan sa Metrowalk, Ortigas Center, Pasig City. Ang kampeon ay si Lorenzo “Enzo” Mayantok Walbridge, isang 21 year old British-Filipino na nakatira sa Alabang. Isang siyang tinatawag na “conio” at galing sa mayamang angkan ang naturang binata, na kumukuha rin ng kursong “Sanitation Engineering” sa UA&P (University of Antipolo and Pasig). Ayon sa judges ng nasabing contest, tumala ng 27.72 “Pare” kada minuto ang binata habang lumalaban ng payabangan sa mga kapwa “conio”.
Narito ang mga “highlights” ng kanyang laban:
“Pare, Steven, pare. Yung wheels ko, pare, dumaan kay Atoy yun pare. Yung dad ko nga lang, pare, gusto pare Anzahl. 'Yoko 'non pare. Di ko groove pare. Pero pare, yung mga chicks sa Starbucks pare. Pare, type yata ako nung chinita pare. I'm going to get her number pare. Siguro taga dito lang yun pare. Kasi nakapambahay lang pare. Pero ano naman pare. Sa good genes ko pare, I'm sure I'm gonna land her pare. Narinig ko kanina, “Ang cute ni Enzo” pare. Pare, pare, order ka lang pare. Sisig ba pare? Sige kuha ka lang pare. My treat. Samahan mo ng calamares pare. The best dito yan pare. O ano pare, buy mo ba yung iPhone ko pare? Huwag muna pare. Magbubura muna ako ng files pare. Baka pare makita mo mga pictures ko eh. 'Tsaka na pare. For the meantime pare, kuha ka na din ng isa pang bucket pare. Tomorrow pare, let's fly to Bora pare.”
Muntik nang masungkit ni Robert “Robbie” Cansoncillo Parker ang kampeonato ngunit kinapos siya ng hininga at nagkamali siya ng pagbigkas na “Pare”. “Pre” lang ang nasabi nya.
Napagalaman ng PAG-ASA na lumakas ang hanging habagat sa Ortigas ng gabing iyon, ngunit hindi natinag ang mga kalahok sa hangin na ito dulot ng mas malakas na hangin galing sa mga contestant.
Nanalo ng Php 50000 ang kampeon na si Enzo at isang taong modelling contract sa isang sikat na tatak ng cologne at isang taong scholarship sa Pare University, isang institution na nagaalaga sa mga taong magaling magsabi ng salitang “Pare”.
FINAL RESULTS
1. Lorenzo “Enzo” Mayantok Walbridge, - 27.75 pts.
2. Robert “Robbie” Cansoncillo Parker – 26.92 pts.
3. Lewis “Lewi Baby” Hernandez Forbes – 25.44 pts.
No comments:
Post a Comment