
Dahilan sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Greenbelt dahilan sa umano'y isang mall sign na pinagbabawalan umanong pumasok ang mga poor people" o maralita sa kanilang "mall".
Ngunit may isa pang umanong larawan ng isang mall sign ang kumakalat sa Internet. Ayon kay Mr. Kum Kee, isang dalubhasa sa larangan ng Internet, 'di makailang maaring totoo ang larawang ito na umano'y natagpuan sa isang mall sa Kalagitnaang Metro Manila:
Ang signage na natagpuan umano sa isa pang mall ay lumilikha ng kontrobersya sa Internet.Ayon kay Gloriana Dimapilit-Peet, isang taga-San Juan na nakakita ng sign na ito, ito'y hindi makatarungan, lalo na sa mga mayayaman na tulad niya. "Ano ba naman ang pake nila na dalhin ko yung iPad ko or Macbook ko sa Starbucks and order a tall macchiato? What's the big deal? As if naman, hello? I'm doing productive naman sa FB ah! I mean, ni-la-like ko lahat ng makita kong updates ng friends ko. 'Di ba productively positive impact 'yon?"
Kasalukuyang iniimbestigahan na ng pulisya ang incidente.
Kasalukuyang iniimbestigahan na ng pulisya ang incidente.
No way! Totoong may ganyang warning sign sa Greenbelt ngayon? Damn! How rude! Di ko yata napansin yan nung 2008! Pag yumaman ako ng todo, I'm gonna buy Greenbelt, have it demolished in front of the Ayalas and piss on its rubble lol! :P
ReplyDelete