Kasalukuyang naghahanap ng panibagong bida ang direktor para sa "Make Tusok The Fishball, Part 2 (Huwag Ka Nang Makisawsaw)"Napagalaman ng Balitado mula sa isang samahan ng mga sinehan sa Kamaynilaan na pumatok at tumabo sa takilya ang pelikulang“Make Tusok The Fishball” na pinagbibidahan nina Kim Chi at Andres Geraldson. Nakakuha ng Php 40,000,000 ang naturang pelikula.
Ang “Make Tusok The Fishball” ay isang “romantic-comedy-drama-action-horror-suspense” animation namay halong live action na “3D” tungkol sa isang maarteng Assumptionista na nahumaling sa isang guwapong binatang fishball vendor na nagtitinda sa Makati.
Inspired na inspired umano ang bidang babae na si Kim Chi dahilan sa napabalitang ibinigay sa kanya na “dja-mond” necklace ni Andres Geraldson.
Itinatampok din dito yung palaging gumaganap na bangkay, yung gumaganap na matandang white lady, at yung palaging sinasampal na may laging dalang balisong na my bigote sa mga pelikulang may barilan at suntukan.
No comments:
Post a Comment