
Greenhills, San Juan - Isang litrato ang nakuhanan umano ng isang undercover agent ng Balitado ng IBM Supercomputer na dala-dala umano ng isang helicopter habang ito'y papalapag sa Greenhills, sa bayan ng San Juan.
Ayon sa impormante, dala-dala umano ng helicopter gamit ang bagong teknolohiya na sobrang nipis na tali at tinalian ang naturang Supercomputer para umano'y ilagay sa taas ng Music Museum at ito'y i-aalok sa mga trader ng mga cellphone at laptop sa naturang lugar.
Malakas ang haka-haka na ito'y ibebenta na dahil hindi nasagot ng Supercomputer ang tanong ng di pa napangalanang dating may-ari nito na "Nasaan ang asawa ko kagabi?" Balak umano ng dating may-ari na i-trade ang naturang aparato sa iPhone o kaya sa Blackberry, ngunit may nauna nang tumanggi. Ang dahilan umano ng isang trader, hindi daw nakakatext o kaya nakakapaglaro ng Angry Birds o Cooking Dash sa naturang Supercomputer.

No comments:
Post a Comment