Tuesday, March 29, 2011

Commentado: MVP, Bibilhin Na Ang Pilipinas?


Sa napabalitang pagbili ng 51.5 percent na stake sa Digitel (Sun Cellular!) ng Philippine Long Distance Company, kay Manny V. Pangilinan na ang dalawa sa pinakamalaking grupo ng telecommunications sa bansang Pilipinas.

Kay Mr. Pangilinan, ang halos lahat ng importanteng institusyon sa bansa: PLDT, TV5, Smart, Makati Medical Center, Cardinal Santos, Davao Doctors, Meralco, Metro Pacific Tollways (NLEX!), Maynilad, Digitel (Sun Cellular), sigarilyas, at mani, sitaw, bataw, patani, and a partridge in a pear tree.

Ano ang ibig sabihin nito para sa atin sa inang bayan? Wala lang. Bibilhin niya lang naman ang buong Pilipinas. At ikaw. Parang si Danding Cojuangco noon.

Maaaring maganda ang pagpakyaw ng mga negosyo ni MVP. Maaring gumanda na ang signal ng Sun; hindi na siya choppy. Maari ding hindi, dahil kung Smart at Sun ay iisa na lang, wala ng masyadong competition. Maaring bumagsak ang kalidad ng serbisyo. Kung kausap mo ang misis mo, maaring magboses lalaki o magboses alien na lang siya, depende sa mood ng signal.

Abangan sa susunod na linggo: ang mapa ng Pilipinas kung mabibili ito ni MVP.

Monday, March 28, 2011

IBM Supercomputer, Binebenta sa Greenhills?




Greenhills, San Juan - Isang litrato ang nakuhanan umano ng isang undercover agent ng Balitado ng IBM Supercomputer na dala-dala umano ng isang helicopter habang ito'y papalapag sa Greenhills, sa bayan ng San Juan.

Ayon sa impormante, dala-dala umano ng helicopter gamit ang bagong teknolohiya na sobrang nipis na tali at tinalian ang naturang Supercomputer para umano'y ilagay sa taas ng Music Museum at ito'y i-aalok sa mga trader ng mga cellphone at laptop sa naturang lugar.

Marami nang nag-aabang sa naturang "supercomputer" sa Greenhills.


Malakas ang haka-haka na ito'y ibebenta na dahil hindi nasagot ng Supercomputer ang tanong ng di pa napangalanang dating may-ari nito na "Nasaan ang asawa ko kagabi?" Balak umano ng dating may-ari na i-trade ang naturang aparato sa iPhone o kaya sa Blackberry, ngunit may nauna nang tumanggi. Ang dahilan umano ng isang trader, hindi daw nakakatext o kaya nakakapaglaro ng Angry Birds o Cooking Dash sa naturang Supercomputer.

Friday, March 25, 2011

Isa Pang Kontrobersyal na Mall Sign,Kumakalat sa Internet!




Dahilan sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Greenbelt dahilan sa umano'y isang mall sign na pinagbabawalan umanong pumasok ang mga poor people" o maralita sa kanilang "mall".

Ngunit may isa pang umanong larawan ng isang mall sign ang kumakalat sa Internet. Ayon kay Mr. Kum Kee, isang dalubhasa sa larangan ng Internet, 'di makailang maaring totoo ang larawang ito na umano'y natagpuan sa isang mall sa Kalagitnaang Metro Manila:


Ang signage na natagpuan umano sa isa pang mall ay lumilikha ng kontrobersya sa Internet.

Ayon kay Gloriana Dimapilit-Peet, isang taga-San Juan na nakakita ng sign na ito, ito'y hindi makatarungan, lalo na sa mga mayayaman na tulad niya. "Ano ba naman ang pake nila na dalhin ko yung iPad ko or Macbook ko sa Starbucks and order a tall macchiato? What's the big deal? As if naman, hello? I'm doing productive naman sa FB ah! I mean, ni-la-like ko lahat ng makita kong updates ng friends ko. 'Di ba productively positive impact 'yon?"

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng pulisya ang incidente.

Thursday, March 24, 2011

Exclusive: Ex-Pres. GMA, Inaming Di Makakabayad ng Utang Sa Amerika!

President Obama (right), posing with Ex. Pres GMA (lower-left) during a White House meeting.

Sa isang maikling panayam ng Balitado kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, inamin niyang hindi na makakabayad ng utang ang Pilipinas. Ayon kay GMA, maraming dahilan ang pagkakalugmok sa utang ang bansa dahilan sa patuloy na paghiram sa international community para sa pangaraw-araw na gastusin para sa repormang pang-ekonomiya noong dating namumuno pa siya sa bansa. "Good luck sa present adminstration", ani Arroyo, "marami pa tayong utang na babayaran. Good luck! Kumusta naman yong utang natin?"

Subalit, inamin na rin ni Mrs. Arroyo na hindi rin siya nakabayad ng utang kay Pres. Obama dahil "short" kasi siya.

Taga-Alabang, nanalo sa “Pare” contest!

Ayon sa mga sources ng Balitado, ang binibining na ito ang susunod na lalaban sa palakasan ng hangin laban kay Enzo Walbridge.


Isang binata ang nanalo sa ika-4 na palaro ng paramihan ng salitang “Pare” kamakailan sa Metrowalk, Ortigas Center, Pasig City. Ang kampeon ay si Lorenzo “Enzo” Mayantok Walbridge, isang 21 year old British-Filipino na nakatira sa Alabang. Isang siyang tinatawag na “conio” at galing sa mayamang angkan ang naturang binata, na kumukuha rin ng kursong “Sanitation Engineering” sa UA&P (University of Antipolo and Pasig). Ayon sa judges ng nasabing contest, tumala ng 27.72 “Pare” kada minuto ang binata habang lumalaban ng payabangan sa mga kapwa “conio”.

Narito ang mga “highlights” ng kanyang laban:

“Pare, Steven, pare. Yung wheels ko, pare, dumaan kay Atoy yun pare. Yung dad ko nga lang, pare, gusto pare Anzahl. 'Yoko 'non pare. Di ko groove pare. Pero pare, yung mga chicks sa Starbucks pare. Pare, type yata ako nung chinita pare. I'm going to get her number pare. Siguro taga dito lang yun pare. Kasi nakapambahay lang pare. Pero ano naman pare. Sa good genes ko pare, I'm sure I'm gonna land her pare. Narinig ko kanina, “Ang cute ni Enzo” pare. Pare, pare, order ka lang pare. Sisig ba pare? Sige kuha ka lang pare. My treat. Samahan mo ng calamares pare. The best dito yan pare. O ano pare, buy mo ba yung iPhone ko pare? Huwag muna pare. Magbubura muna ako ng files pare. Baka pare makita mo mga pictures ko eh. 'Tsaka na pare. For the meantime pare, kuha ka na din ng isa pang bucket pare. Tomorrow pare, let's fly to Bora pare.”

Muntik nang masungkit ni Robert “Robbie” Cansoncillo Parker ang kampeonato ngunit kinapos siya ng hininga at nagkamali siya ng pagbigkas na “Pare”. “Pre” lang ang nasabi nya.

Napagalaman ng PAG-ASA na lumakas ang hanging habagat sa Ortigas ng gabing iyon, ngunit hindi natinag ang mga kalahok sa hangin na ito dulot ng mas malakas na hangin galing sa mga contestant.

Nanalo ng Php 50000 ang kampeon na si Enzo at isang taong modelling contract sa isang sikat na tatak ng cologne at isang taong scholarship sa Pare University, isang institution na nagaalaga sa mga taong magaling magsabi ng salitang “Pare”.


FINAL RESULTS

1. Lorenzo “Enzo” Mayantok Walbridge, - 27.75 pts.
2. Robert “Robbie” Cansoncillo Parker – 26.92 pts.
3. Lewis “Lewi Baby” Hernandez Forbes – 25.44 pts.

"Make Tusok The Fishball", Humataw sa Takilya!

Kasalukuyang naghahanap ng panibagong bida ang direktor para sa "Make Tusok The Fishball, Part 2 (Huwag Ka Nang Makisawsaw)"

Napagalaman ng Balitado mula sa isang samahan ng mga sinehan sa Kamaynilaan na pumatok at tumabo sa takilya ang pelikulang“Make Tusok The Fishball” na pinagbibidahan nina Kim Chi at Andres Geraldson. Nakakuha ng Php 40,000,000 ang naturang pelikula.

Ang “Make Tusok The Fishball” ay isang “romantic-comedy-drama-action-horror-suspense” animation namay halong live action na “3D” tungkol sa isang maarteng Assumptionista na nahumaling sa isang guwapong binatang fishball vendor na nagtitinda sa Makati.

Inspired na inspired umano ang bidang babae na si Kim Chi dahilan sa napabalitang ibinigay sa kanya na “dja-mond” necklace ni Andres Geraldson.

Itinatampok din dito yung palaging gumaganap na bangkay, yung gumaganap na matandang white lady, at yung palaging sinasampal na may laging dalang balisong na my bigote sa mga pelikulang may barilan at suntukan.