
Sa napabalitang pagbili ng 51.5 percent na stake sa Digitel (Sun Cellular!) ng Philippine Long Distance Company, kay Manny V. Pangilinan na ang dalawa sa pinakamalaking grupo ng telecommunications sa bansang Pilipinas.
Kay Mr. Pangilinan, ang halos lahat ng importanteng institusyon sa bansa: PLDT, TV5, Smart, Makati Medical Center, Cardinal Santos, Davao Doctors, Meralco, Metro Pacific Tollways (NLEX!), Maynilad, Digitel (Sun Cellular), sigarilyas, at mani, sitaw, bataw, patani, and a partridge in a pear tree.
Ano ang ibig sabihin nito para sa atin sa inang bayan? Wala lang. Bibilhin niya lang naman ang buong Pilipinas. At ikaw. Parang si Danding Cojuangco noon.
Maaaring maganda ang pagpakyaw ng mga negosyo ni MVP. Maaring gumanda na ang signal ng Sun; hindi na siya choppy. Maari ding hindi, dahil kung Smart at Sun ay iisa na lang, wala ng masyadong competition. Maaring bumagsak ang kalidad ng serbisyo. Kung kausap mo ang misis mo, maaring magboses lalaki o magboses alien na lang siya, depende sa mood ng signal.
Abangan sa susunod na linggo: ang mapa ng Pilipinas kung mabibili ito ni MVP.
Magkano na ba ang net worth ngayon ni MVP? Kung pinoproblema nya kung anong susunod na kumpanya ang bibilhin nya, sana palit nalang kami ng problema!!!
ReplyDelete