NEW YORK - Isang matandang lalaki ang nadakip ng mga alagad ng batas matapos umanong tangkang gahasain ang isang katulong sa kanyang silid sa hotel. Ang naturang lalaki ay nakilalang si Dominique Strauss-Kahn, isang prominenteng personalidad sa bansa niya at pangulo ng "Achay Killer Guild" sa Europa. Ayon sa mga kritiko, imbes na tumakbo sa "presidential election" sa susunod na taon ang naturang "DOM" o "dirty old man", sa "presidential erection" na lang daw ito lalahok.
Friday, May 20, 2011
Achay Killer, Natimbog!
NEW YORK - Isang matandang lalaki ang nadakip ng mga alagad ng batas matapos umanong tangkang gahasain ang isang katulong sa kanyang silid sa hotel. Ang naturang lalaki ay nakilalang si Dominique Strauss-Kahn, isang prominenteng personalidad sa bansa niya at pangulo ng "Achay Killer Guild" sa Europa. Ayon sa mga kritiko, imbes na tumakbo sa "presidential election" sa susunod na taon ang naturang "DOM" o "dirty old man", sa "presidential erection" na lang daw ito lalahok.
Labels:
achay killer,
dominique strauss kahn,
DSK,
sex crime
Tuesday, May 3, 2011
Isang Balbas-Saradong Kelot, Itinapon sa Dagat!

Napagalaman ng Balitado na mayroong isang lalaki na itinapon sa dagat Arabya kamakailan. Ayon sa salaysay ng isang saksi na itatago natin sa pangalang Jiggy, ang naturang lalaki ay may taas na 6'4, payat ang pangangatawan, itinatayang 40-50 ang edad, katamtaman ang kulay, matangos ang ilong, at balbas-sarado. Pinaghahanap pa rin ang pamilya ng naturang lalaki, na diumano'y biktima ng "salvaging".
.

Lumikha umano ng masangsang na amoy ang bangkay ng lalaki at nararapat itong ilibing ng maayos sa lupa. Ngunit, mayroong mga umalma, dahil nararapat lang daw sa tubig inilibing ang lalaki sa kadahilanang ang pupuntahan niya ay nangangailangan din ng maraming tubig.
Tuesday, March 29, 2011
Commentado: MVP, Bibilhin Na Ang Pilipinas?

Sa napabalitang pagbili ng 51.5 percent na stake sa Digitel (Sun Cellular!) ng Philippine Long Distance Company, kay Manny V. Pangilinan na ang dalawa sa pinakamalaking grupo ng telecommunications sa bansang Pilipinas.
Kay Mr. Pangilinan, ang halos lahat ng importanteng institusyon sa bansa: PLDT, TV5, Smart, Makati Medical Center, Cardinal Santos, Davao Doctors, Meralco, Metro Pacific Tollways (NLEX!), Maynilad, Digitel (Sun Cellular), sigarilyas, at mani, sitaw, bataw, patani, and a partridge in a pear tree.
Ano ang ibig sabihin nito para sa atin sa inang bayan? Wala lang. Bibilhin niya lang naman ang buong Pilipinas. At ikaw. Parang si Danding Cojuangco noon.
Maaaring maganda ang pagpakyaw ng mga negosyo ni MVP. Maaring gumanda na ang signal ng Sun; hindi na siya choppy. Maari ding hindi, dahil kung Smart at Sun ay iisa na lang, wala ng masyadong competition. Maaring bumagsak ang kalidad ng serbisyo. Kung kausap mo ang misis mo, maaring magboses lalaki o magboses alien na lang siya, depende sa mood ng signal.
Abangan sa susunod na linggo: ang mapa ng Pilipinas kung mabibili ito ni MVP.
Monday, March 28, 2011
IBM Supercomputer, Binebenta sa Greenhills?

Greenhills, San Juan - Isang litrato ang nakuhanan umano ng isang undercover agent ng Balitado ng IBM Supercomputer na dala-dala umano ng isang helicopter habang ito'y papalapag sa Greenhills, sa bayan ng San Juan.
Ayon sa impormante, dala-dala umano ng helicopter gamit ang bagong teknolohiya na sobrang nipis na tali at tinalian ang naturang Supercomputer para umano'y ilagay sa taas ng Music Museum at ito'y i-aalok sa mga trader ng mga cellphone at laptop sa naturang lugar.
Malakas ang haka-haka na ito'y ibebenta na dahil hindi nasagot ng Supercomputer ang tanong ng di pa napangalanang dating may-ari nito na "Nasaan ang asawa ko kagabi?" Balak umano ng dating may-ari na i-trade ang naturang aparato sa iPhone o kaya sa Blackberry, ngunit may nauna nang tumanggi. Ang dahilan umano ng isang trader, hindi daw nakakatext o kaya nakakapaglaro ng Angry Birds o Cooking Dash sa naturang Supercomputer.
Friday, March 25, 2011
Isa Pang Kontrobersyal na Mall Sign,Kumakalat sa Internet!

Dahilan sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Greenbelt dahilan sa umano'y isang mall sign na pinagbabawalan umanong pumasok ang mga poor people" o maralita sa kanilang "mall".
Ngunit may isa pang umanong larawan ng isang mall sign ang kumakalat sa Internet. Ayon kay Mr. Kum Kee, isang dalubhasa sa larangan ng Internet, 'di makailang maaring totoo ang larawang ito na umano'y natagpuan sa isang mall sa Kalagitnaang Metro Manila:
Ang signage na natagpuan umano sa isa pang mall ay lumilikha ng kontrobersya sa Internet.Ayon kay Gloriana Dimapilit-Peet, isang taga-San Juan na nakakita ng sign na ito, ito'y hindi makatarungan, lalo na sa mga mayayaman na tulad niya. "Ano ba naman ang pake nila na dalhin ko yung iPad ko or Macbook ko sa Starbucks and order a tall macchiato? What's the big deal? As if naman, hello? I'm doing productive naman sa FB ah! I mean, ni-la-like ko lahat ng makita kong updates ng friends ko. 'Di ba productively positive impact 'yon?"
Kasalukuyang iniimbestigahan na ng pulisya ang incidente.
Kasalukuyang iniimbestigahan na ng pulisya ang incidente.
Subscribe to:
Comments (Atom)

